Add parallel Print Page Options

11 Pinanood mo lamang sila,
    nang araw na pasukin ng mga kaaway.
Kasinsama ka ng mga dayuhan
    na nananamsam at naghahati-hati
    sa kayamanan ng Jerusalem na kanilang tinangay.
12 Hindi mo dapat ikinatuwa ang[a] kapahamakang sinapit
    ng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda.
Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian.
13 Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan,
    ni pinagtawanan ang kanilang kasawian.
At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanan
    sa panahon ng kanilang kapahamakan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Obadias 1:12 Hindi mo dapat ikinatuwa ang: Sa Hebreo ay Ngunit huwag kang matutuwa sa .