Add parallel Print Page Options

Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (A)mga guya ng (B)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.

(C)Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob (D)sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.

Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.

Read full chapter