Font Size
Pahayag 11:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 11:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Natapos na ang ikalawang lagim, at ang ikatlong lagim ay malapit na.
Ang Ikapitong Trumpeta
15 Pagkatapos ay hinipan(A) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay paghahari na ngayon ng ating Panginoon at ng kanyang Cristo. Maghahari siya magpakailanman!”
16 At ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno na nakaupo sa kani-kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa kanya.
Read full chapter