Add parallel Print Page Options

14 Natapos na ang ikalawang kaabahan. Narito, darating na agad ang pangatlong kaabahan.

Ang Pangpitong Trumpeta

15 Hinipan ng pangpitong anghel ang kaniyang trumpeta. May malakas na mga tinig sa langit na nagsasabi:

Ang mga paghahari ng sanlibutan ay naging mga paghahari ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. At maghahari siya sa mga magpakailan pa man.

16 Ang dalawampu’t apat na nga matanda ay nagpatirapa at sinamba ang Diyos. Sila ang mga nakaupo sa kanilang mga luklukan sa harapan ng Diyos.

Read full chapter