Add parallel Print Page Options

15 At binugahan ng ahas ng tubig mula sa kanyang bibig ang babae; ito'y tulad ng isang ilog, upang tangayin nito ang babae. 16 Ngunit tinulungan ng lupa ang babae; nagbuka ng bibig ang lupa at nilunok ang ilog na ibinuga ng dragon. 17 Kaya sa tindi ng galit ng dragon sa babae, umalis iyon upang makipaglaban sa iba pang mga anak nito, sa mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at naninindigan sa patotoo ni Jesus.

Read full chapter