Add parallel Print Page Options

15 Sinabi ng anghel sa akin: Ang mga tubig na iyong nakita na kinauupuan ng patutot ay mga tao at napakaraming tao at mga bansa at mga wika. 16 Ang sampung sungay na iyong nakita sa mabangis na hayop ay mapopoot sa patutot at siya ay kanilang wawasakin, huhubaran, kakainin ang kaniyang laman at susunugin sa apoy. 17 Ito ay sapagkat ilalagay ng Diyos sa kanilang mga puso na gawin nila ang nais niya. Gagawin nila ito na may iisang kaisipan at ibibigay nila ang kanilang mga paghahari sa mabangis na hayop hanggang sa lubos na maganap ang mga sinalita ng Diyos.

Read full chapter