Pahayag 18:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 at (A) (B) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.
23 Ang liwanag ng ilawan
kailanma'y hindi na tatanglaw sa iyo;
at ang tinig ng lalaki at babaing ikakasal
kailanma'y hindi na maririnig sa iyo;
sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig,
at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa.
24 Sa (C) kanya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
at lahat ng mga pinaslang sa ibabaw ng lupa.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.