Pahayag 18:22-24
Ang Salita ng Diyos
22 Wala nang sinumang makakarinig mula sa iyo ng tugtog ng mga manunugtog ng kudyapi, o mga musikero, o mga taga-ihip ng plawta o taga-ihip ng trumpeta. Wala nang manggagawa ang gagawa ng anumang pangangalakal sa iyo. Wala nang maririnig sa iyo na ingay ng gilingang bato. 23 At ang liwanag ng isang ilawan ay hindi na magliliwanag sa iyo. Wala nang sinumang makakarinig sa iyo ng tinig ng lalaking ikakasal o tinig ng babaeng ikakasal. Ang iyong mga mangangalakal ay naging mga dakilang tao sa lupa. Iniligaw mo ang mga tao sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng iyong panggagaway. 24 Sa kaniya ay natagpuan ng mga tao ang dugo ng mga propeta at mga banal. Natagpuan nila sa kaniya ang dugo ng lahat ng mga taong pinatay sa lupa.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International