Add parallel Print Page Options

Ang kaniyang mga kasalanan ay nagkapatong-patong hanggang langit at naalala ng Diyos ang kaniyang masasamang gawa. Ibigay ninyo sa kaniya ang anumang naibigay niya sa inyo. At bayaran ninyo siya ng makalawang ulit ayon sa kaniyang mga gawa. Ang saro na kaniyang hinalo ay haluin mo ng makalawang ulit para sa kaniya. Sa halagang ipinangluwalhati niya sa kaniyang sarili at namuhay sa napakalaking kayamanan, sa gayunding halaga ay bigyan ninyo siya ng paghihirap at pananangis. Sapagkat sinasabi niya sa kaniyang puso: Ako ay umuupo bilang isang reyna at hindi bilang isang balo. At kailanman ay hindi ako makakakita ng pananangis.

Read full chapter