Font Size
Pahayag 21:12-14
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 21:12-14
Ang Salita ng Diyos
12 Ito ay may isang dakila at mataas na moog at labindalawang tarangkahan. Sa tarangkahan ay may labindalawang mga anghel. May nakaukit na pangalan sa tarangkahan. Ito ay ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak na lalaki ni Israel. 13 Tatlong tarangkahan ang nasa gawing silangan. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing hilaga. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing timog. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing kanluran. 14 Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligan. Sa kanila ay ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International