Add parallel Print Page Options

Sa kalagitnaan ng lansangan at sa magka­bilang panig ng ilog, naroroon ang punong-kahoy na nagbibigay buhay. Ito ay nagbubunga ng labindalawang bunga. Bawat buwan ay magbibigay ng kaniyang bunga. Ang dahon ng punong-kahoy ay para sa pagpapagaling ng mga bansa. Doon ay hindi na magkakaroon ng sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay makikita sa lungsod. Ang kaniyang mga alipin ay maglilingkod sa kaniya. Makikita nila ang kaniyang mukha. Ang kaniyang pangalan ay nasa mga noo nila.

Read full chapter