Font Size
Pahayag 22:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 22:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Wala (A) nang gabi; hindi na nila kakailanganin pa ng liwanag o ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila, at maghahari sila magpakailanpaman.
Ang Pagdating ni Cristo
6 At sinabi niya sa akin, “Ang mga salitang ito ay tapat at totoo. Ang Panginoon, na siyang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kanyang anghel upang ipakita sa kanyang mga lingkod kung ano ang malapit nang mangyari.”
7 “Tingnan mo, ako'y malapit nang dumating! Pinagpala ang nag-iingat ng mga salita ng propesiya ng aklat na ito.”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.