Add parallel Print Page Options

Sinabi ng anghel sa akin: Ang mga salitang ito ay tapat at totoo. Ang Panginoong Diyos ng mga propetang banal ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita ang mga bagay na dapat nang mangyari kaagad.

Si Jesus ay Darating

Narito, malapit na akong dumating. Pinagpala ang tumu­tupad sa mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito.

At akong si Juan na nakakita at nakarinig ng mga bagay na ito ay nagpatirapa sa paanan ng anghel, na siyang nagpa­kita sa akin ng mga bagay na ito, upang sambahin siya.

Read full chapter