Add parallel Print Page Options

Umiyak ako nang labis dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at bumasa ng kasulatang iyon. Sinabi sa akin ng isa sa mga namumuno, “Huwag kang umiyak dahil si Jesus na tinaguriang Leon mula sa lahi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay at karapat-dapat siyang magtanggal ng pitong selyo upang mabuksan ang kasulatan.”

Pagkatapos, nakita ko ang isang Tupa[a] na mukhang pinatay, pero nakatayo na sa pagitan ng mga namumuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buhay na nilalang. Mayroon itong pitong sungay at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios[b] na isinugo sa lahat ng lugar sa mundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:6 Tupa: sa literal, batang tupa. Sa ibang salin, kordero.
  2. 5:6 pitong Espiritu ng Dios: Tingnan ang “footnote” sa 1:4-5.