Add parallel Print Page Options

(A) Isa sa matatanda ay nagsabi sa akin, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon ng lipi ni Juda, na ugat ni David, ay nagtagumpay at kaya niyang buksan ang balumbon at tanggalin ang pitong tatak nito.”

At (B) nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na buháy na nilalang at ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad ng isang pinatay na may pitong sungay at pitong mata. Ang mga ito'y ang pitong[a] espiritu ng Diyos na isinugo sa buong daigdig. Lumapit ang Kordero at kinuha ang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 5:6 Sa ibang manuskrito wala ang salitang ito.