Font Size
Pahayag 7:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 7:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Dahil dito, sila'y nasa harap ng trono ng Diyos,
at naglilingkod sa kanya araw-gabi sa kanyang templo,
at sila'y kukupkupin ng nakaupo sa trono.
16 Hindi (A) na sila magugutom ni mauuhaw man;
hindi na sila sasaktan ng sikat ng araw,
o ng anumang nakapapasong init;
17 sapagkat (B) ang Korderong nasa gitna ng trono ang kanilang magiging pastol,
at kanyang aakayin sila tungo sa mga bukal ng tubig ng buhay,
at papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.