Add parallel Print Page Options

Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: (A)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.

Kaunaunahan, ay (B)nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang (C)inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.

Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na (D)walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin,

Read full chapter