Add parallel Print Page Options

Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag na maging banal: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama, at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Nais ni Pablo na Dumalaw sa Roma

Una, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig. Saksi ko ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng aking pangangaral ng ebanghelyo ng kanyang Anak, na lagi ko kayong idinadalangin.

Read full chapter