Add parallel Print Page Options

18 Ngunit (A) sinasabi ko, hindi ba't narinig nila? Talagang narinig nila, ayon sa nasusulat,

“Umabot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
    lumaganap ang kanilang mga salita hanggang sa dulo ng daigdig.”

19 Ngunit (B) ang tanong ko, hindi ba nauunawaan ng Israel? Una, sinasabi sa pamamagitan ni Moises,

“Pagseselosin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi naman bansa,
    gagalitin ko kayo sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa.”

20 At (C) sa pamamagitan ni Isaias ay buong tapang na sinasabi,

“Natagpuan ako ng mga taong hindi humahanap sa akin;
    Nagpakita ako sa mga taong hindi naman ako ipinagtatanong.”

Read full chapter