Font Size
Roma 10:18-20
Ang Salita ng Diyos
Roma 10:18-20
Ang Salita ng Diyos
18 Ngunit sinasabi ko: Hindi ba nakapakinig silang lahat? Totoong nakapakinig silang lahat:
Ang kanilang tinig ay kumalat sa buong lupa. Ang kanilang salita ay kumalat sa lahat ng sulok ng sanlibutan.
19 Ngunit sinasabi ko: Hindi ba nalalaman ng Israel? Una, sinabi ni Moises:
Paiinggitin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi isang bansa. Pagagalitin ko kayo sa pamamagitan ng bansang walang pang-unawa.
20 May katapangang sinabi ni Isaias:
Nasumpungan ako ng mga hindi naghahanap sa akin. Inihayag ko ang aking sarili sa kanila na hindi nagtanong patungkol sa akin.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International