Add parallel Print Page Options

19 Ngunit (A) ang tanong ko, hindi ba nauunawaan ng Israel? Una, sinasabi sa pamamagitan ni Moises,

“Pagseselosin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi naman bansa,
    gagalitin ko kayo sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa.”

20 At (B) sa pamamagitan ni Isaias ay buong tapang na sinasabi,

“Natagpuan ako ng mga taong hindi humahanap sa akin;
    Nagpakita ako sa mga taong hindi naman ako ipinagtatanong.”

21 Subalit (C) tungkol naman sa Israel ay sinasabi niya, “Mga kamay ko'y nag-aanyaya buong araw sa isang matigas ang ulo at suwail na bayan!”

Read full chapter