Add parallel Print Page Options

19 Ito(A) pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises,

“Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansa
    upang kayo'y inggitin,
gagamitin ko ang isang bansang hangal
    upang kayo'y galitin.”

20 Buong(B) tapang namang ipinahayag ni Isaias,

“Natagpuan ako ng mga hindi naghanap sa akin.
    Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa akin.”

21 Subalit(C) tungkol naman sa Israel ay sinabi niya,

“Buong maghapon akong nanawagan
    sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”

Read full chapter