Add parallel Print Page Options

Gayon pa rin ito sa kasalukuyang panahon. Mayroon pa ring natitirang maliit na pangkat na pinili ayon sa biyaya. Yamang sila ay pinili ayon sa biyaya, ito ay hindi na sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi gayon, ang biyaya ay hindi na magiging biyaya. Kung ito ay sa gawa, ito ay hindi na biyaya, kung hindi gayon, ang gawa ay hindi na gawa.

Ano ngayon? Ang hinahangad ng mga taga-Israel ay hindi nila natamo. Ang nagtamo nito ay ang mga pinili. Pinatigas ng Diyos ang mga puso ng iba pang natitira.

Read full chapter