Add parallel Print Page Options

Yamang sila ay pinili ayon sa biyaya, ito ay hindi na sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi gayon, ang biyaya ay hindi na magiging biyaya. Kung ito ay sa gawa, ito ay hindi na biyaya, kung hindi gayon, ang gawa ay hindi na gawa.

Ano ngayon? Ang hinahangad ng mga taga-Israel ay hindi nila natamo. Ang nagtamo nito ay ang mga pinili. Pinatigas ng Diyos ang mga puso ng iba pang natitira. Ayon sa nasusulat:

Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng pagkalito. Binigyan niya sila ng mga matang hindi nakakakita. Binigyan niya sila ng mga taingang hindi nakakarinig. Ito ay hanggang sa ngayon.

Read full chapter