Font Size
Roma 12:8-10
Ang Salita ng Diyos
Roma 12:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Kung ito ay sa pagpapayo, pagpayuhin siya. Kung ito ay sa pagbibigay, magbigay siya ng may katapatan. Kung ito ay sapangunguna, papangunahin siyang may kasigasigan. Kung ito ay pagkamahabagin, mahabag siyang may kasiyahan.
Pag-ibig
9 Ang pag-ibig ay dapat walang pakunwari. Kapootan ninyo ang masama. Manangan kayo sa mabuti.
10 Maging magiliwin kayo sa isa’t isa tulad ng pag-ibig ninyo sa magkakapatid. Igalang ninyo ang isa’t isa nang higit pa inyong sarili.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International