Add parallel Print Page Options

Ibigay sa bawat isa ang anumang dapat niyang tanggapin. Kung ang dapat ibigay ay buwis para sa nakakasakop, magbigay ng buwis na iyon. Kung buwis sa sarilingpamahalaan, ibigay ang buwis na ito. Kung ang dapat mong ibigay ay takot, dapat kang magdalang takot. Kung ito ay karangalan, magbigay ka ng karangalan.

Ibigin Mo ang Iyong Kapwa Sapagkat ang Panahon ay Malapit na

Huwag kayong magkautang ng anuman sa kanino man, sa halip ay mag-ibigan sa isa’t isa sapagkat siya na umiibig sa iba ay nakaganap ng kautusan.

Ito ang mga utos: Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnana­kaw, huwag kang mag-bigay ng maling patotoo, huwag kang mag-iimbot. At kung may iba pang utos, ito ay nakapaloob sa salitang ito:

Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Read full chapter