Add parallel Print Page Options

11 At sinabi pa,

    “Kayong lahat na mga hindi Judio, purihin ninyo ang Panginoon.
    Kayong lahat, purihin siya.”[a]

12 Sinabi naman ni Isaias,

    “Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga hindi Judio,
    at aasa sila sa kanya.”[b]

13 Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:11 Salmo 117:1.
  2. 15:12 Isa. 11:10.