Font Size
Roma 15:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Roma 15:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Kaya't sa pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking paglilingkod sa Diyos. 18 Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, 19 sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos.[a] Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo.
Read full chapterFootnotes
- 19 Espiritu ng Diyos: Sa ibang manuskrito'y Espiritu Santo, at sa iba nama'y Espiritu .