Add parallel Print Page Options

18 Sapagkat ang mga katulad nila ay hindi kay Cristong ating Panginoon na pinaglilingkuran kundi sa sarili nilang tiyan. Dinadaya nila ang mga puso ng mga walang muwang sa pamamagitan ng kanilang pananalita na maganda sa pandinig at may mapagkunwaring papuri. 19 Labis akong nagagalak sapagkat napabalita sa lahat ng tao ang inyong pagsunod. Gayunman, nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at maging walang muwang sa masama. 20 At ang Diyos ng kapayapaan ay malapit nang dumurog kay Satanas sa ilalim ng inyong mga paa.

Pagpalain kayo ng ating Panginoong Jesus.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 16:20 Sa ibang matatandang manuskrito ay wala ang pangungusap na ito.