Add parallel Print Page Options

19 Labis akong nagagalak sapagkat napabalita sa lahat ng tao ang inyong pagsunod. Gayunman, nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at maging walang muwang sa masama. 20 At ang Diyos ng kapayapaan ay malapit nang dumurog kay Satanas sa ilalim ng inyong mga paa.

Pagpalain kayo ng ating Panginoong Jesus.[a]

21 Binabati (A) kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kamag-anak kong sina Lucio, Jason at Sosipatro.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 16:20 Sa ibang matatandang manuskrito ay wala ang pangungusap na ito.