Add parallel Print Page Options

22 Dito'y makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at kanyang mga gawa, at naging ganap ang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23 Natupad (A) ang sinasabi ng Kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring na matuwid,” at tinawag siyang kaibigan ng Diyos. 24 Dito ninyo makikita na ang tao'y itinuturing na matuwid dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa kanyang pananampalataya lamang.

Read full chapter