Add parallel Print Page Options

Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan. Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Sinasabi ng kasulatan:

Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho.

Sa palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan?

Read full chapter