Add parallel Print Page Options

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya't sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. Huwag ninyong ipagwalang-bahala ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Diyos na may kaagaw siya sa espiritu na ibinigay niya upang manirahan sa atin.” Ngunit (A) ang Diyos ay nagkakaloob ng higit pang biyaya. Kaya naman sinasabi, “Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”

Read full chapter