Font Size
Santiago 4:4-6
Magandang Balita Biblia
Santiago 4:4-6
Magandang Balita Biblia
4 Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. 5 Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang sinasabi sa kasulatan, “Ang espiritung inilagay ng Diyos sa atin ay punô ng matitinding pagnanasa.”[a] 6 Ngunit(A) ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”
Read full chapterFootnotes
- Santiago 4:5 Ang espiritung...matitinding pagnanasa: o kaya’y Matindi ang pagnanasa ng Diyos sa espiritung inilagay niya sa atin .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.