Add parallel Print Page Options

Sa panahong itinakda ng Diyos, inihayag niya ang kaniyang salita sa pamamagitan ng pangangaral. Ang pangangaral na ito ay ipinagkatiwala niya sa akin alinsunod sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. Sumusulat ako sa iyo Tito. Ikaw ay tunay kong anak ayon sa pananampalatayang nasa ating lahat.

Sumaiyo ang biyaya, kahabagan at kapayapaang mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesucristo na ating Tagapagligtas.

Ang Mga Ginawa ni Tito sa Creta

Ang dahilan kung bakit kita iniwan sa Creta ay upang ayusin mo ang mga bagay na kulang at upang magtalaga ka ng mga matanda sa bawat lungsod. Italaga mo sila gaya ng iniutos ko sa iyo.

Read full chapter