Add parallel Print Page Options

11 Kaya ng araw ding iyon, ipinawalang-bisa ang kasunduan. At nalaman ng mga nagbebenta ng mga tupa[a] na nanonood sa akin na may mensahe ang Panginoon sa mga ginagawa kong ito. 12 Sinabi ko sa kanila, “Kung sa palagay ninyo ay dapat akong bigyan ng sahod, ibigay ninyo ang sahod ko. Ngunit kung hindi, sa inyo na lang.” Kaya binayaran nila ako ng 30 pirasong pilak bilang sahod ko. 13 Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ilagay mo ang pilak na iyan sa kabang-yaman[b] ng templo.” Kaya kinuha ko ang 30 pirasong pilak, na inaakala nilang sapat na bilang aking sahod, at inilagay ko iyon sa kabang-yaman ng templo ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:11 mga nagbebenta ng mga tupa: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, mga walang silbi.
  2. 11:13 kabang-yaman: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, mamamalayok. Ganito rin sa talatang 13b.