Zacarias 11:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 “Alagaan mo ang aking mga mamamayan, dahil ako, ang Panginoon, ay nagsasabing hindi ko na kahahabagan ang mga tao sa mundo.[a] Ako mismo ang uudyok sa bawat tao na magpasakop sa kanyang kapwa at sa kanyang hari. At silang mga namamahala ay magdadala ng kapahamakan sa buong mundo, at hindi ko ililigtas ang mga tao mula sa kanilang mga kamay.”
7 Kaya inalagaan ko ang mga tupang kakatayin ng mga nagbebenta ng mga tupa.[b] Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isa ay tinawag kong Kabutihan[c] at ang isa naman ay tinawag kong Pagkakaisa.
8 Pinaalis ko ang tatlong pastol sa loob lamang ng isang buwan. Naubos na ang pasensya ko sa kanila,[d] at sila rin ay galit sa akin.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®