Add parallel Print Page Options

10 Ang buong lupain ay magiging (A)gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at (B)siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa (C)pintuang-bayan ng Benjamin hanggang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, (D)at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.

11 At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.

12 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.

Read full chapter