Add parallel Print Page Options

Magiging katangi-tangi ang araw na iyon, dahil walang gabi kundi panay araw lang. Ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari.

Sa araw na iyon, dadaloy ang sariwang tubig mula sa Jerusalem. Ang kalahati nito ay dadaloy sa Dagat na Patay[a] at ang kalahati ay sa Dagat ng Mediteraneo.[b] Patuloy itong dadaloy sa panahon ng tag-araw at tag-ulan. Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Dios at wala nang iba.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:8 Dagat na Patay: sa Hebreo, dagat sa silangan.
  2. 14:8 Dagat ng Mediteraneo: sa Hebreo, dagat sa kanluran.