Add parallel Print Page Options

Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga karwaheng iyan?” Sumagot ang anghel, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin sa kalawakan[a] na paparating mula sa presensya ng Panginoon ng buong mundo. Ang karwaheng hinihila ng mga itim na kabayo ay papunta sa isang lugar sa hilaga. Ang karwaheng hinihila ng mga puting kabayo ay papunta sa kanluran.[b] At ang karwaheng hinihila ng mga batik-batik na kabayo ay papunta sa isang lugar sa timog.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:5 hangin sa kalawakan: o, espiritu sa langit.
  2. 6:6 papunta sa kanluran: sa Hebreo, sumusunod sa kanila.