Zacarias 9:13-15
Ang Biblia (1978)
13 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, (A)Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake.
14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang (B)Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon (C)na kasama ng mga ipoipo sa timugan.
15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga (D)taza, parang mga sulok ng dambana.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978