Add parallel Print Page Options

Sa araw na iyon, papatayin ko ang mga taga-Juda na parang hayop na ihahandog. Parurusahan ko ang kanilang mga opisyal at ang mga anak ng kanilang hari, at ang lahat sa kanila na sumusunod sa masasamang ugali ng ibang bansa.[a] Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga hindi nakakakilala sa akin, at ang mga nagmamalupit at nandaraya para punuin ng mga bagay ang bahay ng kanilang panginoon.[b]

10 Ako, ang Panginoon ay nagsasabing sa araw na iyon maririnig ang iyakan sa pintuan na tinatawag na Isda[c] ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:8 sumusunod … bansa: sa literal, nagsusuot ng damit ng taga-ibang bansa.
  2. 1:9 ang bahay ng kanilang panginoon: o, ang templo ng kanilang dios-diosan.
  3. 1:10 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito idinadaan ang mga isdang dinadala sa lungsod.