Add parallel Print Page Options

12 Kayong mga (A)taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.

13 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at (B)gigibain ang Asiria, at ang (C)Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang.

14 At mga bakaha'y (D)hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira (E)ang mga yaring kahoy na cedro.

Read full chapter