Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa mga Bansa ng Etiopia at Asiria

12 Sinabi ng Panginoon, “Kayo ring mga taga-Etiopia[a] ipapapatay ko kayo sa digmaan.

13 “Parurusahan ko rin ang Asiria na nasa hilaga. Magiging tulad ng ilang ang Nineve,[b] tigang na parang disyerto. 14 Magiging pastulan ito ng mga baka, kambing, at ng ibaʼt ibang uri ng mga hayop. Dadapo ang mga kuwago sa mga nasirang haligi, at maririnig ang kanilang huni sa mga bintana. Masisira ang mga pintuan at matatanggal ang mga sedrong kahoy nito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:12 taga-Etiopia: sa Hebreo, taga-Cush.
  2. 2:13 Nineve: Ito ang kabisera ng Asiria.