Font Size
Zefanias 2:12-14
Magandang Balita Biblia
Zefanias 2:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Kayong(A) mga taga-Etiopia
ay mamamatay rin sa digmaan.
13 Sa(B) kapangyarihan ni Yahweh ay wawasakin ang Asiria;
ibabagsak niya ang Nineve, at ito'y matutulad sa isang disyerto.
14 Maninirahan dito ang mga kawan,
at ang lahat ng uri ng mga hayop sa parang.
Ang mga buwitre ay magpupugad sa mga sirang haligi
at huhuni ang mga kuwago sa may tapat ng bintana;
gayundin ang mga uwak sa may pintuan,
sapagkat malalantad ang mga kahoy na sedar.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.