Genesis 48:20
Print
At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.
Kaya't kanyang binasbasan sila nang araw na iyon, na sinasabi, “Sa pamamagitan mo ang Israel ay magpapala, na magsasabi, ‘Gawin ka nawa ng Diyos na gaya ni Efraim at gaya ni Manases.’”
At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.
Kaya ginawa niya si Efraim na nakakahigit kaysa kay Manase. At sa araw na iyon, binasbasan niya ang mga ito na nagsasabing, “Gagamitin ng mga Israelita ang pangalan mo sa pagbabasbas. Sasabihin nila, ‘Nawaʼy pagpalain ka ng Dios kagaya nina Efraim at Manase.’ ”
Sinabi pa niya ito: “Ang mga Israelita, sa Diyos ay hihilingin, dahil kayo'y pinagpala, sila ma'y pagpalain din. Sa kanilang kahilingan, ganito ang sasabihin: ‘Kayo nawa ay matulad kay Efraim at Manases.’” Sa ganitong paraan ginawa ni Jacob na una si Efraim kay Manases.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) by ; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) by ; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) by ; Ang Salita ng Diyos (ASND) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) by ; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by