Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?
Ang mga pinuno ng Zoan ay lubos na hangal; ang matatalinong tagapayo ni Faraon ay nagbibigay ng payong hangal. Paanong masasabi ninyo kay Faraon, “Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?”
Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?
Hangal ang mga pinuno ng Zoan! Kinikilala silang mga pinakamatalinong tagapayo ng Faraon, pero ang kanilang mga payo ay walang kabuluhan. Paano nila nasabi sa Faraon, “Lahi kami ng matatalino at ng mga hari noong unang panahon.”
Hangal kayong lahat, mga pinuno ng Zoan! Kayong matatalinong tagapayo ng Faraon, pawang walang saysay ang inyong ipinapayo. Paano ninyo masasabi sa Faraon: “Ako'y mula sa lahi ng mga matatalino at ang mga ninuno ko'y hari noong unang panahon?”