Font Size
Isaias 3:16
Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa:
Sinabi ng Panginoon: Sapagkat ang mga anak na babae ng Zion ay mapagmataas, at nagsisilakad na may naghahabaang mga leeg, at mga matang nagsisiirap, na lumalakad na pakendeng-kendeng habang humahayo, at ipinapadyak ang kanilang mga paa;
Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa:
Sinabi pa ng Panginoon, “Mayayabang ang mga babae sa Jerusalem. Akala mo kung sino sila kung maglakad. Pinakakalansing pa nila ang mga alahas sa mga paa nila, at kapag tumitingin sila ay may kasama pang kindat.
At sinabi ni Yahweh, “Palalo ang mga anak na babae ng Jerusalem, taas-noo kung lumakad, pasulyap-sulyap kung tumingin, pakendeng-kendeng kung humakbang, at pinakakalansing pa ang mga alahas sa paa.
At sinabi ni Yahweh, “Palalo ang mga anak na babae ng Jerusalem, taas-noo kung lumakad, pasulyap-sulyap kung tumingin, pakendeng-kendeng kung humakbang, at pinakakalansing pa ang mga alahas sa paa.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) by ; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) by ; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) by ; Ang Salita ng Diyos (ASND) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) by ; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by