Font Size
Isaias 37:24
Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay iyong pinulaan ang Panginoon, at nagsabi ka, Sa karamihan ng aking mga karo ay nakaahon ako sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking puputulin ang mga matayog na cedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa pinakataluktok na kataasan, ng gubat ng kaniyang mabuting bukid.
Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay hinamak mo ang Panginoon, at sinabi mo, “Sa pamamagitan ng marami kong karwahe, nakaahon ako sa tuktok ng mga bundok, sa pinakamalalayong bahagi ng Lebanon. Aking pinutol ang matatayog na sedro niyon, at ang mga piling sipres niyon; ako'y dumating sa pinakataluktok na kataasan, ng pinakamakapal na gubat.
Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay iyong pinulaan ang Panginoon, at nagsabi ka, Sa karamihan ng aking mga karo ay nakaahon ako sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking puputulin ang mga matayog na cedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa pinakataluktok na kataasan, ng gubat ng kaniyang mabuting bukid.
Kinutya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga sugo. Sinabi mo pa, ‘Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe naakyat ko ang matataas na mga bundok pati ang tuktok ng bundok ng Lebanon. Pinutol ko ang pinakamataas na mga puno ng sedro at natatanging sipres nito. Nakarating ako sa tuktok na may makapal na kagubatan.
Nilait mo ang Panginoon sa pamamagitan ng iyong mga lingkod, ang sabi mo: Sa dami ng aking karwahe, naakyat ko ang ituktok ng mga bundok, naabot ko rin ang kasuluk-sulukan ng Lebanon. Pinutol ko ang nagtataasang puno ng sedar, at ang mga piling puno ng sipres; naabot kong lahat ang pinakamataas na lugar at pusod ng gubat.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by