Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?
Ikaw ay matuwid, O Panginoon, kapag ako'y maghaharap ng paratang sa iyo; gayunma'y hayaan mong ilahad ko ang aking panig sa harapan mo. Bakit nagtatagumpay ang lakad ng masama? Bakit lumalago ang lahat ng mga taksil?
Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?
Panginoon, kapag nagrereklamo po ako sa inyo, palaging makatarungan ang tugon ninyo. Pero ngayon, may tanong po ako tungkol sa katarungan nʼyo: Bakit po umuunlad ang masasamang tao? Bakit po mapayapa ang buhay ng mga taong taksil sa inyo?
Ikaw ay matuwid, Yahweh, at kung ako ma'y mangatwiran, mapapatunayan mong ikaw ay tama. Ngunit bayaan mong magtanong ako. Bakit nagtatagumpay ang masasamang tao? At ang mandaraya ay umuunlad?